# Mga Tuntunin sa Paggamit

# Saklaw ng Aplikasyon

  • Iuukol ang mga tuntuning ito sa lahat ng kaugnayan sa pagitan ng user at ng Lungsod ng Isesaki (tatawaging "Lungsod na ito" mula rito) na may kinalaman sa paggamit ng Hazard Map ng Lungsod ng Isesaki (tatawaging "Site na ito" mula rito).

# Paghahandog ng Impormasyon

  • Hinalaw ng tagalikha ang mga area kung saan may panganib ng sakuna batay sa tiyak na kondisyon para sa mapa ng tinatayang sakuna atbp. na ipinapakita sa Site na ito, at hindi nito tinutukoy ang aktuwal na pangyayari ng sakuna o saklaw ng pinsala. May posibilidad din na mangyari ang sakuna sa lugar na hindi tinutukoy sa mapa ng tinatayang sakuna atbp.
  • Naglalaman ng error sa paglikha ng mapa at data ang geospatial data o impormasyon ng mapang ihinahandog sa Site na ito. Hindi ginagarantiya ng Lungsod na ito ang pagkakumpleto o katumpakan ng impormasyong ihinahandog sa Site na ito.

# Mga Ipinagbabawal na Kilos

Bawal gawin ng user ang mga sumusunod na kilos sa paggamit ng Site na ito.

  • Kilos na lumalabag sa mga batas o sa pampublikong kaayusan at moral
  • Kilos ng pagsira / paghadlang sa function ng server o network na nauugnay sa Site na ito
  • Kilos ng paggamit ng ihinahandog na impormasyon para sa komersyal na layunin
  • Iba pang kilos na ituring na hindi nararapat ng Lungsod na ito

# Pagsuspindi ng site na ito

Kung nagpasya ang Lungsod na ito na may alinman sa mga sumusunod na kadahilanan, maaaring isuspindi o itigil ang paghahandog ng kabuuan o ng bahagi ng Site na ito nang walang paunang pagbibigay-alam sa user.

  • Kung isasagawa ang inspeksyon para sa maintenance o pag-update ng system ng server atbp. na may kinalaman sa Site na ito
  • Kung naging mahirap ang paghahandog ng serbisyong ito dahil sa lindol, pagtama ng kidlat, sunog, brownout, mga natural na kalamidad, at iba pang pangyayaring force majeure
  • Kung nasuspindi ang server na may kinalaman sa Site na ito o ang network nito dahil sa aksidente
  • Iba pang kaso kung saan ipinasya ng Lungsod na ito na mahirap ang paghahandog ng serbisyong ito

# Pagbabago sa Site na ito atbp.

Maaaring baguhin ng Lungsod na ito ang nilalaman ng Site na ito nang walang paunang pagbibigay-alam sa user.

# Disclaimer

  • Hindi magpapasan ng anumang pananagutan ang Lungsod na ito para sa kahit anong disadvantage o pinsalang dinanas ng user o ng third party mula sa pagsuspindi o pagtigil ng paghahandog ng Site na ito, nang walang alintana sa dahilan noon.
  • Hindi magpapasan ng anumang pananagutan ang Lungsod na ito para sa kahit anong disadvantage o pinsalang dinanas ng user o ng third party mula sa pagbabago sa Site na ito, nang walang alintana sa dahilan noon.
  • Hindi ginagarantiya ang pagkakumpleto o katumpakan ng nilalaman ng impormasyong ihinahandog sa Site na ito, at hindi magpapasan ng anumang pananagutan ang Lungsod na ito para sa kahit anong disadvantage o pinsala mula sa paghahandog ng impormasyon, nang walang alintana sa dahilan noon.
  • Hindi magpapasan ng anumang pananagutan ang Lungsod na ito tungkol sa transaksyon, pakikipag-ugnayan at nangyaring tunggalian atbp. sa pagitan ng user at ibang user o third party kaugnay sa Site na ito.

# Inirerekomendang environment

Ginawa ang Site na ito para tingnan gamit ang sumusunod na inirerekomendang environment. Maaaring hindi magamit nang wasto kung ginamit sa environment na liban sa inirerekomenda, o depende sa setting ng browser kahit sa inirerekomendang environment.

  • OS
    • Windows 10 o mas bago pa
    • Mac OS X 10.9 o mas bago pa
    • iOS 10 o mas bago pa
  • Browser
    • Pinakabagong bersyon ng Google Chrome
    • Pinakabagong bersyon ng Firefox
    • Pinakabagong bersyon ng Microsoft Edge
    • Pinakabagong bersyon ng Safari
  • JavaScript
    • Gumagamit ng JavaScript sa site na ito. Hindi ito magagamit kung naka-disable ang JavaScript sa browser.
  • Gumagamit ang Site na ito ng mga Cookie at nagkokolekta ng impormasyon sa pag-akses para mabatid ang kalagayan ng paggamit nito.
  • Sa paggamit ng user ng Site na ito, ituturing na nagbigay siya ng pahintulot sa pagkolekta ng data ayon sa layunin at paraan nito.

# Tanggapan para sa mga Katanungan

  • Safety & Security Division, General Affairs Department, Isesaki-shi
  • 2-410 Imaizumi-cho, Isesaki-shi, Gunma-ken Postal Code 372-8501
  • TEL 0270-27-2706(Direktang linya) FAX 0270-26-6123
  • Para sa mga katanungan, i-clickito