# Mapa
##Mga pook na tinatayang malulubog sa baha Nakalarawan ang mapa ng mga lugar na tinatayang lulubog sa baha ayon sa bawat ilog na nilikha ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism, Gunma Prefecture, at Saitama Prefecture.
# Ilog
- Piliin ang ilog para makita ang impormasyon ukol sa tinatayang pagbaha.
- Kung pipiliin ang “Pinagsama ang lahat ng ilog”, makikita ang mapa na kung saan pinagsama ang lahat ng impormasyon ukol sa mga tinatayang pagbaha.
# Scale
- Piliin ang scale o lawak ng baha kung saan nais makita ang tinatayang pagbaha.
| Scale o lawak | Nilalaman |
|---|---|
| Tinatayang maximum na scale | Pagkalubog dulot ng malakas na pag-ulan na nangyayari isang beses sa loob ng mga 1000 taon |
| Scale para sa pagpaplano | Pagkalubog dulot ng pag-ulan na palatandaan sa maintenance ng ilog |
# Mga uri
Pakitandaan
Ang “tagal ng pagbaha” ay makikita lamang kung ang “tinatayang maximum scale” ay pinili para sa scale.
- Piliin ang uri ng impormasyon na nais makita.
| Uri | Nilalaman |
|---|---|
| Lalim ng baha | Maximum na lalim ng baha |
| Tagal ng pagbaha sa 50cm o higit pa *Maaari lamang piliin kung ang flood scale ay ang maximum na tinatayang scale. |
# Talaan ng pinsala mula sa baha
Nakalarawan ang aktuwal na pinsalang dala ng matinding pag-ulan sanhi ng Typhoon No. 12 noong Septiyembre 1, 2011.
# Uri
- Piliin ang uri ng pinsala mula sa pagbaha.
| Uri | Nilalaman |
|---|---|
| Mga lugar ng kalsadang binaha | Mga kalsadang binaha dala ng matinding pag-ulan sanhi ng Typhoon No. 12 on September 1, 2011 |
# Evacuation shelters / Evacuation sites
Nakalarawan ang mga evacuation shelters at evacuation sites para sa bawat kalamidad sa Septiyembre 2024.
| Uri | Nilalaman |
|---|---|
| Itinakdang emergency evacuation site at itinakdang general evacuation shelter | Isang pasilidad o pook kung saan maaaring lumikas sa oras ng emerhensiya upang protektahan ang sariling kaligtasan kapag nagkaroon ng kautusan para lumikas. Ang evacuation sites ay itinakda para sa bawat kalamidad, tulad ng pagbaha o paglindol. Nagsisilbi din ito bilang pasilidad na maaaring gamitin ng mga biktima ng kalamidad para lumagi ng takdang panahon. |
| Itinakdang emergency evacuation sites | Ito ay mga pasilidad o pook kung saan maaaring lumikas sa oras ng emerhensiya upang protektahan ang sariling kaligtasan kapag nagkaroon ng kautusan para lumikas. Ang evacuation sites ay itinakda para sa bawat kalamidad, tulad ng pagbaha at paglindol. |
| Itinakdang welfare evacuation shelters | Ito ang mga evacuation shelters na maaaring gamitin ng mga taong nangangailangan ng espesyal na konsiderasyon, tulad ng mga matatanda, may kapansanan at iba pa, kung saan maaaring lumikas nang direkta kapag nahihirapang lumagi sa regular na evacuation shelters tulad ng gymnasiums at iba pa kapag nagkaroon ng kalamidad. URL:https://www.city.isesaki.lg.jp/bousai_info/hinanjo/hinan/20518.html (opens new window) 【Tandaan】Ang mga maaaring lumikas sa itinakdang welfare shelters ay ang mga taong may espesyal na pangangailangan at ang kanilang mga pamilya. Ang mga itinakda ng siyudad lamang na may antimanong arrangement o kasunduan sa pasilidad ang maaaring lumikas dito. Kahit gamitin ang nasasakop na pasilidad, hindi maaaring lumikas dito kapag hindi itinakda ng pasilidad o ng siyudad. |
| Welfare evacuation shelters | Ito ay mga pasilidad na itinakda para sa pagtanggap ng mga taong nangangailangan ng espesyal na konsiderasyon, tulad ng mga matatanda, mga taong may kapansanan, at iba pa. |
| Evacuation facility para sa living space ng alagang hayop kung saan maaaring dalhin ito sa pasilidad | Ito ay isang evacuation facility kung saan ang mga alagang hayop ay maaaring lumagi kapiling ang mga tao. Depende sa sitwasyon, ang pasilidad ay maaari lamang buksan tuwing may bagyo o baha. |
# Listahan ng evacuation shelters at evacuation sites
- Nakalarawan dito ang listahan ng mga itinakdang general evacuation shelters at itinakdang emergency evacuation sites. Maaaring hanapin gamit ang pangalan ng pasilidad at kumpirmahin ang lokasyon at mga nasasakop na kalamidad.
# Pasilidad para sa mga taong nangangailangan ng espesyal na konsiderasyon
Ito ang mga welfare facilities, paaralan, medical facilities, at iba pang mga pasilidad na itinakda kaugnay sa disaster prevention na pangunahing ginagamit ng mga taong nangangailangan ng espesyal na konsiderasyon o atensiyon.
Ang listahan ng mga pasilidad na maaaring gamitin ng mga taong may espesyal na pangangailangan sa siyudad ng Isesaki ay nakalathala sa reference section ng Isesaki City Regional Disaster Prevention Plan.
URL:https://www.city.isesaki.lg.jp/bousai_info/sonae/keikaku/18039.html (opens new window)